Relihiyon na ang yumayakap dito sa pangkalahatang antas ay hindi humigit at kumulang ng milyun-milyong tao ayon sa pinakahuling pagsusuri. Relihiyon na nag-uunahan ang mga tao sa pagyakap dito sa kabila ng kahinaan ng mga suporta nito, maging pangmateryal o pantao. Ang sinumang tumalima at tumanggap nito ay mahirap nang tumiwalag pa mula rito.
ANG ISLAM….BAKIT?
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapayaan ay maitampok sa Propeta nating si Muhammad , sa kanyang mag-anak, sa kanyang mga kasamahan at sa lahat ng kanyang mga tagasunod.
Ang paksa sa munting lathalain na ito ay ang pagbibigay paliwanag tungkol sa kahuli-hulihang ibinaba na pangkalangitang relihiyon. Sa pamamagitan nito binuo ng Allah ang relihiyon ni Moises at Hesus - Sumakanila nawa ang kapayapaan - kaya dahil dito, pinawalan ng bisa at winakasan na ng Allah ang mga nauna pa ritong relihiyon.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Ang Mensahe ng Islam
Ang relihiyong Islam ay hindi ipinangalan sa batay sa pangalan ng tao na kagaya ng Kristiyanismo na hinango sa pangalan ni Hesus Kristo AS; Budismo sa pangalan ni Buddha; Konpusianismo sa pangalan ni Confucius at Marsismo sa pangalan ni Karl Marx. Ni hindi ito hinango sa pangalan ng tribo na kagaya ng Judaismo na hinango sa tribo ng Judea; at Hinduismo sa tribo ng Hindus....

Hajj [o ang paglalakbay sa Makkah na may layuning isagawa ang mga ritwal ng Hajj]
Ito ay ang paglalakbay sa sagradong Tahanan ng Allah [ang Ka’bah] upang isagawa ang mga partikular na gawain, sa partikular na mga lugar, at sa partikular na mga oras bilang pagpapatupad sa kautusan ng Allah. Isang tungkulin na ipinag-uutos sa lahat ng muslim na nasa wastong pagiisip at gulang, na isagawa ito minsan sa tanang buhay sa kondisyong may kakayahan sa pangangatawan at yaman.

Paano Isinasagawa ang Ghusl (Ganap na Paliligo) ?
Ang Layunin (Niyyah), dapat magkaroon ng layunin (sa puso) ang isang taong magsasagawa ng Ghusl (ganap na paliligo) upang padalisayin ang sarili mula sa maruming kalagayan, maging ito man ay sa kalagayang Janaabah (pagkaraang makipagtalik sa asawa), sa pagkakaroon ng buwanang regla o mula sa pagdurugo sanhi ng panganganak (para sa mga kababaihan).

Si Diane Charles Breslin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 2 ng 3)
Ang mga ginawang pagbabasa ni Diane patungkol sa Islam ay naging dahilan para muli niyang mahalin si Hesus at Maria, ngunit isang tunay na pagmamahal sa bagong kahulugan.
