Ito ay ang pagsasaksi ng “Laa ilaaha illallaah” (Walang diyos maliban sa Allah) at pagsasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo. Ito ang susi at daan sa pagpasok sa pananampalatayang Islam.
Ang “Laa ilaaha illallaah” ay nangangahulugan ng:
1. Walang lumikha ng lahat ng nilalang na ito maliban sa Allah.
2. Walang nagmamay-ari at nangangasiwa sa lahat ng nilalang na ito maliban sa Allah.
3. Walang sinasamba na karapat-dapat pagpapakumbabaan maliban sa Allah.
At ang kahulugan naman ng pagsasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah. Ito ay ang pagsunod sa kanya sa lahat ng kanyang ipinag-uutos, at ang pagpapatunay sa lahat ng kanyang naibalita, at ang pag-iwas sa lahat ng kanyang ipinagbabawal.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Hajj [o ang paglalakbay sa Makkah na may layuning isagawa ang mga ritwal ng Hajj]
Ito ay ang paglalakbay sa sagradong Tahanan ng Allah [ang Ka’bah] upang isagawa ang mga partikular na gawain, sa partikular na mga lugar, at sa partikular na mga oras bilang pagpapatupad sa kautusan ng Allah. Isang tungkulin na ipinag-uutos sa lahat ng muslim na nasa wastong pagiisip at gulang, na isagawa ito minsan sa tanang buhay sa kondisyong may kakayahan sa pangangatawan at yaman.

Ang Pagtalikod sa Kapatid na Muslim
Ito ay isang paraan na pinaghihiwalay ni Shaytaan ang mga Muslim. Sa mga taong sumusunod sa mga yapak ni Shaytaan ay maaaring hamakin ang isang kapatid na Muslim nang walang sapat na makatarungang dahilan maliban sa hidwaan hinggil sa pananalapi o ilang di-pagkakaunawaan......................

Ang 'Shahaadatain' (Ang Dalawang Pagsaksi sa Pananampalataya)
Ang Kahulugan ng 'La Ilaaha Illa-Allah' Ito ang diwa ng Tawheed. Sa pamamagitan ng konseptong ito, nilikha ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala ang lahat (sangkatauhan, jinn, anghel at maging ang di-nakikita o nakatagong bagay) at sa konseptong ito, nilikha Niya ang Jannah (Paraiso) at ang Jahannam (Impiyerno). Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala ay nagsabi sa Qur'an, Kabanata Adh-Dhaariyaat, 51:56;

Ang Reyalidad ng Islam
Nalalaman na ang bawat bagay sa Sansinukob na ito ay nagpapaakay sa isang takdang patakaran at isang matatag na kalakaran. Ang araw, ang buwan, ang mga bituin at ang lupa ay sunud-sunuran sa ilalim ng isang pangkalahatang patakaran. Walang kapangyarihan ang mga ito na kumilos palayo roon at lumabas doon kahit sa layong gabuhok.