Relihiyon na ang yumayakap dito sa pangkalahatang antas ay hindi humigit at kumulang ng milyun-milyong tao ayon sa pinakahuling pagsusuri. Relihiyon na nag-uunahan ang mga tao sa pagyakap dito sa kabila ng kahinaan ng mga suporta nito, maging pangmateryal o pantao. Ang sinumang tumalima at tumanggap nito ay mahirap nang tumiwalag pa mula rito.
ANG ISLAM….BAKIT?
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapayaan ay maitampok sa Propeta nating si Muhammad , sa kanyang mag-anak, sa kanyang mga kasamahan at sa lahat ng kanyang mga tagasunod.
Ang paksa sa munting lathalain na ito ay ang pagbibigay paliwanag tungkol sa kahuli-hulihang ibinaba na pangkalangitang relihiyon. Sa pamamagitan nito binuo ng Allah ang relihiyon ni Moises at Hesus - Sumakanila nawa ang kapayapaan - kaya dahil dito, pinawalan ng bisa at winakasan na ng Allah ang mga nauna pa ritong relihiyon.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan'
Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah

Ang Ibadah (Pagsamba) sa 'Allah'
dapat nating malaman na ang pagsamba ay tungkulin ng lahat ng mga Muslim na may tamang pag-iisip at may tamang gulang. Ang pagsasagawa ng mga haligi ng Islam ay daan sa pagpasok sa Paraiso pagkaraan ng habag ng Allah

Ang Pamamaraan ng Pagyakap sa Relihiyong Islam
Ang pagyakap sa Relihiyong Islam para maging isang Muslim ay walang itinakdang rituwal o seremonya na kinakailangang tuparin ng isang tao at wala ring takdang pook o ng mga partikular na tao na dapat kaharapin. Ito ay sa dahilang ang Islam ay tuwirang ugnayan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha (ang Allah, Subhaanaho wa Ta'aala ) na walang mga tagapamagitan.

Ano ang Kahulugan ng Pagsamba?
Ang pagsamba sa pananaw ng ibang tao at ng ibang relihiyon ay tumatalakay lamang sa pagsagawa ng mga pang-relihiyong rituwal katulad ng pagdarasal, pag-aayuno, kawanggawa at iba pa. Sa Islam, ang pagsamba ay may malawak na kahulugan. Ito ay binubuo ng lahat ng mga gawain at salita ng tao na may tanging layuning makapagbigay ng kasiyahan sa Dakilang Lumikha. Ang pagsamba sa Islam ay sakop ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao....
